Abante Tonite Interactive

2 tanod patay, misis tinamaan sa crossfire kontra pulis

204

Patay ang dalawang barangay tanod at isa sa misis ng tanod matapos ang naganap na palitan ng putok sa pagsisilbi ng search warrant sa Brgy. Lusaran, Cebu City kamakalawa.

Kinilala ang napatay na sina Renato Goc-ong at Reynaldo Laguna, kapwa barangay tanod sa lugar, nadamay at napatay din ng pulisya ang asawa ni Gong-ong na si Emma.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-una nang madaling-araw habang magsisilbi ng search warrant ang pulisya laban sa dalawang barangay tanod matapos makatanggap ng sumbong hinggil sa pagdadala ng baril ng mga ito sa mga pampublikong lugar.

Imbes na sumuko nang mapayapa ay nanlaban ang mga ito at nakipagbarilan umano sa mga pulis dahilan upang mapatay sila habang nadamay naman si Emma na nakitang wala nang buhay na nakayakap sa napatay na asawa.

Sugatan naman si PO3 Pacheco Pulgo matapos tamaan ng bala sa dibdib nang mabaril ito nang malapitan ng isa sa mga suspek, suwerte lang na mayroon itong bullet proof vest kaya hindi masyadong tumagos ang bala sa katawan.

Nakuha naman ng pulisya ang dalawang baril ng mga suspek at base sa impormasyon ay bata ang mga ito ng isang politiko at ginagamit bilang mga goons ngayong nalalapit na kampanya sa local election.