Abante Tonite Interactive

2 testigo sa GCTA for sale pinalaya ng Senado

196

Dalawang testigo na nagbunyag ng good conduct time allowance (GCTA) for sale scheme sa loob ng New Bilibid Prison ang pinalaya na, apat na buwan mula sa kustodiya ng Senado.

Sa pinalabas na release order na pinadala sa media, inatasan ni Senador Ri­chard Gordon, chairman ng committee on justice and human rights na makalabas na ng Senado sina Godfrey Gamboa at Yolanda Camilon matapos magwakas na ang pagdinig ng Senado sa naturang isyu.

“The Sergeant-At-Arms is hereby directed to carry out and implement this Order,” the document, dated January 21, 2019,” sabi ni Gordon sa kanyang release order.

Si Gordon ang chairman ng komite na nagsagawa ng serye ng pagdinig sa implementasyon ng kontrobersyal na GCTA Law.

Setyembre 5, 2019 nang atasan ng komite ang Office of the Senate Sergeant-At-Arms na ikulong sa Senado sina Gamboa at Camilon para sa kanilang proteksiyon at matiyak ang kanilang pagdalo sa pagdinig ng komite. (Dindo Matining)