Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tigok, P150M shabu nasilat sa Pasig buy-bust

0 337

Patay ang dalawang suspek na kabilang sa drug syndicate matapos mamaril nang makatu- nog na pulis ang katransaksiyon at marekober ang nasa P149.6 milyong halaga ng shabu na na- kasilid sa isang Chinese tea sa ikinasang buy-bust operations, kamakalawa ng gabi sa Barangay Kalawaan, Pasig City.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), dead on the spot ang mga suspek na sina Arthor Abdul, nasa hustong gulang, ng Poblacion, Valencia, Bukidnon at isang hindi pa nakikilalang suspek na naka-t-shirt at short, may tattoo sa kaliwang braso at dibdib na may nakasulat na “Jayson”.

Naganap ang buy-bust operation bandang alas-9:10, Linggo ng gabi, sa Axis Road, Barangay Kalawaan nang makipagtransaksiyon ang isang pulis na umaktong buyer sa dalawang suspek.

Kasama ang mga nakakubling tauhan ng PDEG SOU, NCR sa pa- ngunguna ni PLt. Jona- than Sosongco, nakipag- kita ang mga suspek sa nasabing lugar sakay ng isang Nissan Sentra na may plakang XJG 404.

SM food to go Banner Ad

Subalit nakatunog ang mga suspek na pulis ang katransaksiyon kaya bumunot ng baril at nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad at bumulagta ang dalawang armadong suspek.

Samantala, kinilala ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang Pasig Police, Drug Enforcement Group, PDEA, NCRPO-RDEU at iba na sa matagumpay na buy-bust operation sa pagkakabuwag sa drug syndicate na nag-o-operate sa kalapit na lalawigan. (Vick Aquino/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.