Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tigok sa pagsabog sa Abu Dhabi

0 70

Nasawi ang dalawa katao sa gas explosion sa isang fast food restaurant sa Abu Dhabi, Lunes ng umaga.

Isa sa mga biktima ay malapit sa pinangyarihan ng pagsabog sa Rashid Bin Saeed Street (Airport Road) habang ang isa ay napadaan lang sa lugar, na nasapol ng debris, ayon sa ulat ng Khaleej Times.

Ilang katao naman ang dinala sa ospital matapos magtamo ng mga minor at moderate injury.

Lumabas sa imbestigasyon na sanhi ng pagsabog ang hindi maayos na paglalagay ng gas container fittings matapos ang refuelling.

Samantala, lubhang napinsala ang dalawang fast food restaurant at iba pang shop na nasa ground floor ng gusali habang nabasag ang mga bintana sa unang palapag at nadamay din ang ilang sasakyan na nakaparada sa labas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.