Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 timbog sa P6.8M droga, kasamang pulis tumakas

0 185

Arestado ang dalawang lalaki habang nakatakas naman ang kasama nilang pulis matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Zamboanga City Police, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Nasher Abdulkadil, 65, at Alhisar Nawadil, 29, security guard, pawang residente ng nasabing lungsod.

Samantala, nakatakas naman ang kasamahan nilang si Patrolman Jidkhan Raji, aktibong pulis, na nakatalaga sa 2nd Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company.

Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust ang mga awtoridad dakong alas-10:30 ng gabi sa Zone 5, Barangay Cawit, Zamboanga City.

Matapos magkapalitan ng pera at droga ay saka inihudyat ang pagdakip sa mga suspek, subalit maagang nakatunog si Raji kaya mabilis itong nakalayo sa lugar.

Nakuha umano mula sa mga suspek ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon, isang .9mm na baril at ang Ford Ranger na sinakyan ng mga ito.

Patuloy ang manhunt operation ng pulisya para sa agarang pagdakip kay Raji. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.