Abante Tonite Interactive

2 tindahan huli sa overpriced na N95 mask

300

Muling binigyan ng notice of violation ang CCM Med Health Company at JKOS Medical Supplies and Equipment na dati na ring nabigyan ng notice ng Department of Trade and Industry (DTI) dahil sa overpriced sa pagbebenta ng N95 mask.

Nabatid na nasa P105 lang ang suggested retail price ng N95 mask pero ibinibenta ito ng P135 hanggang P160 pesos.

Dahil dito, planong irekomenda ng DTI sa local government unit na i-revoke o suspindihin na ang mga business permit ng mga tindahan na nakakarami na ng notice of violation.

May isang tindahan din ang nagbebenta ng manipis na face mask na parang tissue sa hala­gang P50 ang isa, pero hindi ito uubra para maproktehan sa virus.

Naglibot ang DTI sa mga tindahan mg medical supplies sa may Bambang Street sa Maynila kahapon nang umaga.

Ito’y upang alamin kung sapat ang suplay ng mga face mask gayundin kung magkano ang bentahan ng mga nasabing tindahan.

Sinabi ng DTI, hindi sila titigil sa kanilang isinasagawang monitoring o pagbabantay sa mga tindahan ng medical supplies dahil sa walang humpay ang pananamantala ng ibang negosyante rito. (Armida Rico)