Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tinedyer, 5 pa bagsak sa P3.4M Jaguar deal

0 186

Nahaharap ngayon sa kasong syndicated estafa ang pito-katao kabilang ang dalawang menor de edad na sangkot sa panggogoyo ng P3.4 milyon sa isang negosyante , gamit ang modus operandi ng mga inilalabas na shipment ‘kuno.’

Kabilang sa mga kinasuhan ng Manila Police District-Police Station 5,ang mga suspek na sina Roberto de Guzman Sr, 64; Roberto de Guzman, Jr, 22 ; Ronaldo Sarita, 24; Melinda Chaves, 48; Roy, 15 at Mel, 15, hindi tunay na pangalan, pawang taga-A.R. Cruz St., Tangos South, Navotas City; at isang Solo Fernan Gona na nakakalaya pa at siyang kumuha ng perang idineposito at ibinayad ng biktimang si Alberto Jocson,Jr., 52, ng 47 Piccadilly St., Hillsborough, Cupang, Muntinlupa.

Nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek matapos humingi ng tulong at magreklamo ang biktima na nakunan ng P3.4 milyong kabayaran para sa sasakyang Jaguar F Type Coupe R model 2018

na naka-post sa phil.kotse.com na nakursunadahang bilhin ng biktima.

Naganap umano ang insidente sa pagitan ng Mayo 24,hanggang Hunyo 23 na nagsimula sa online at nagtapos sa TM Kalaw St. Ermita, Maynila hanggang sa maaresto ang mga suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.