Abante Tonite Interactive

2 tinedyer, 7 pa nag-trip magpaputok

By
0 163

Desidido ang Manila Police District-Police Station 9 na kasuhan ang siyam na indibidwal­ kabilang na ang dalawang menor de edad na walang habas na nagpaputok ng baril sa ere kahapon nang umaga sa Malate, Maynila.

Sasampahan ng alarm and scandal, paglabag sa election gun ban at illegal possession of firearms ang mga suspek na sina Anjo Padilla, 27; Jeffrey Mendoza, 32; Luilius Dolante, 30; Maryjay Dominguez, 29; Beucan Morillo, 23; Wendel de Guzman, 24; Marc Senez, 21 at dalawang 16-anyos.

Ayon sa MPD-PS 9, naganap ang pamamaril dakong alas-5:40 kahapon nang umaga sa M.H del Pilar St. corner Aldecoa St., Malate, Maynila.

Nabatid na ang mga suspek ay inaresto ng mga miyembro ng MPD-SWAT na pawang nakasakay sa dalawang Honda car na kulay itim at orange.

Ayon sa pulisya, isang tawag ang natanggap ng pulisya kaugnay sa pagpapaputok ng mga suspek sa lugar gamit ang ‘di pa natukoy na baril.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Roxas Boulevard na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek kabilang ang mga menor de edad.