Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tinedyer na karnaper himas-rehas

0 50

Swak sa piitan ang dalawang binatilyo nang maaresto sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad matapos karnapin umano ang isang van sa Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Holy Spirit Station 14 commander P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro ang mga naaresto na parehong 17-anyos at parehong residente ng Tuluyang Plaza, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ang kanilang kasabwat na nakilala lamang sa alyas Taba, na nagawang makatakas.

Base sa ulat, dakong alas-3:40, kamakalawa ng hapon, nang magsagawa ng operasyon ang kapulisan sa Republic Ave., Brgy. Holy Spirit, QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nauna rito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jorrelyn Mirador, 46, nakatira sa Brgy. Sta. Lucia, QC para i-report ang nawawala niyang sasakyan na kanyang natuklasan pasado alas-8:00 ng gabi, Nobyembre 19.

Dahil dito, agad nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na naging sanhi upang madakip ang mga suspek.

Narekober umano sa dalawa ang Toyota Town Ace Utility Van, 2002 Model na may plakang CSF 987 at pag-aari ng biktima, caliber .38 Smith and Wesson na may apat na bala, at sari-saring susi ng mga sasakyan.

Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10883 at RA 10591. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.