Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tinedyer timbog sa bentahan ng liquid ecstasy

0 70

Inaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lalaki na tulak ng `liquid ecstasy’ sa isang buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Nakadetine sa MPD-Police Station 7, ang suspek na sina Cirej Lopez alyas Jeric/Jong, 19, at Adrian Santos, 22, kapwa nakatira sa Caloocan City.

Alas-2:30 ng madaling araw nang madakip ang dalawa sa ikinasang operasyon sa tapat ng isang fastfood sa may Hermosa Street, Tondo.

Nabatid na nakabili ng liquid ecstacy sa mga suspek ang isang poseur buyer ng mga pulis at kaagad na inaresto ang dalawa matapos ang transaksyon.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong botelya ng liquid ecstacy na naglalaman ng 15ml at nagkakahalagang P20,000 at tatlong P100 marked money na inihalo sa boodle money na ipinambayad sa mga suspek.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.