Abante Tonite Interactive

2 todas, 3 sugatan sa karambola ng 4 sasakyan

306

Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang malubha matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa bayan ng Casiguran, Sorsogon kahapon nang madaling-araw.

Sa ulat ng Casiguran Municipal Police Station na ipinadala sa Sorsogon Police Provincial Office, ang apat na sasakyan ay kinabibilangan ng isang Honda TMX na traysikel kung saan sakay nito sina Ricky Detecio, Emma Detecio at John Ray Detecio; isang pulang Mitsubishi Montero naman ang ikalawang sasakyan na minamaneho ni Ruel Esmas; XRM na motorsiklo ang ikatlong sasakyan na minamaneho ni Elmer Jarque at angkas si Rammil Lareza, at isang Grand transport bus naman na puno ng pasahero ang ikaapat na may plakang WTS 695 na minamaneho ng ‘di pa kilalang drayber.

Lumalabas sa ulat na pawang binabagtas ng una, pangalawa at ikatlong sasakyan ang kahabaan ng Maharlika highway sakop ng Brgy. Trece Martirez patungong Sorsogon City nang mabangga ng Montero ang traysikel na sinasakyan ng pamilya-Detecio.

Sa lakas ng bangga ay nagtuloy-tuloy ang traysikel, sumalpok sa puwitan ng motorsiklo na sinakop naman ang kabilang linya kung saan eksaktong paparating ang bus na naging daan ng head on collision.

Dead on-the-spot sa nasabing insidente sina Jarque at Lareza.
Mabilis namang tumakas ang drayber ng bus. (Edwin Balasa)