Abante Tonite Interactive

2 todas sa P82M Taguig drug raid

0 388

Agad binawian ng buhay ang dalawang lalaki na nakipagpalitan diumano ng putok sa mga pulis makaraang makuhanan ng P81.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa C-6 Road, Lower Bicutan, Taguig noong Biyernes.

Ayon sa Taguig Police, nagsagawa ito ng buy-bust operation laban sa dalawang suspek sa nasabing lugar.

Nang matapos ang transaksyon, naramdamam diumano ng dalawa na mga awtoridad ang kanilang kausap. Sumakay ang mga ito sa getaway vehicle bago nagpaputok sa mga pulis na humahabol at nauwi sa engkwentro.

Tinamaan ang isang police mobie pero maswerteng walang tinamaan sa mga pulis.

Nakuha sa mga suspek ang isang baril, submachine gun at 12 kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa Chinese tea bag package.

Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang grupo na kinabibilangan ng dalawang suspek.

Tonite – Wendys Inhouse Ad