Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 todas sa rambulan ng 2 pamilya

0 57

Dalawa ang nasawi at tatlo ang malubha sa rambulan ng dalawang mag-anak, Linggo sa Gen. Tinio, Nueva Ecija.

Batay sa ulat, kinilala ang mga nasawing sina Erick Macalinao Manuel, 46-anyos, residente ng Brgy. Concepcion, Gen. Tinio; at Gilbert German Cuevas Jr., 26, ng Brgy. Padre Burgos, Cabanatuan City.

Sugatan naman ang magkapatid na John Kevin Cuevas at Erlinda Cuevas, kapwa residente ng Brgy. Padre Crisostomo, Cabanatuan City; at si Jervy Bulacan Lorenzo, 28, ng Brgy. Rio Chico, Gen. Tinio.

Nabatid na alas-6:30 ng gabi sa Purok Manga, Brgy. Concepcion ay kasama ni Erick ang mga kapatid at kaanak na nagmemeryenda nang mapadaan si John Kevin at nagsabing, “Brad, tapusin na natin ‘to. Babalikan ko kayo.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi nagtagal ay bumalik si John Kevin kasama sina Gilbert Jr., Marvin German at Teodoro German, lulan ng tricycle at pawang armado ng itak. Agaran nilang pinagtataga ang magkakapatid na Manuel kaya’t sumaklolo ang ilang mga kaanak ng huli gamit ang mga itak.

Ayon sa ilang nakasaksi, nataga at napatay ni Gerardo Manuel si Gilbert Jr. at nataga ni Antonio Manuel Jr. si Lorenzo. Napatay naman umano nina Teodoro at Marvin si Erick.

Sa paunang pagsisiyasat ni P/Cpl. Gilbert Marcos, may matagal nang alitan ang dalawang mag-anak. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.