Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 totoy rumaket ng shabu, timbog

0 305

Arestado ang dalawang menor de edad matapos mahulihan ng 53 gramo ng shabu sa buy-bust operation, sa Barangay Tumana, Marikina City noong Biyernes.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), may edad 19 at 13 ang dalawang suspek na kapwa kabilang na sa listahan ng newly identified high value individual ng Marikina Police.

Inaresto ang mga suspek alas-5:30 Biyernes ng hapon sa kahabaan ng Block 16-68 Palay St., Barangay Tumana makaraang makatanggap ng tip kaugnay sa pagtutulak ng droga ng dalawang menor de edad.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 11 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 53 gramo na may street value na P360,400 at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell ang isa sa suspek habang dinadala sa pangangalaga ng Women and Children Protection Desks (WCPD) si Mallare at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs ACt. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.