Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 totoy todas sa nilantakang tahong

0 52

Dalawang paslit ang nasawi habang apat pa nilang kapamilya ang naospital matapos malason sa kontaminadong tahong sa Bagacay Village, Daram, Samar.

Sa report ng Department of Health kahapon, nasa edad na 8-anyos at 3-anyos ang nasawing magkapatid na biktima na kapwa lalaki.

Naka-confine naman ngayon ang apat pang miyembro ng kanilang pamilya sa isang ospital sa Catbalogan City, Samar.

Noong Martes, nananghalian ng tahong ang mga biktima at makalipas ang ilang oras, anim sa kanila ang nakaramdam ng pamamanhid, pagsusuka at pananakit ng tiyan dahil kontaminado ng red tide ang kinain nilang tahong.

Iniimbestigahan na ang insidente dahil ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Eastern Visayas regional information officer Christine Gresola, lumabas sa pagsusuri na hindi naman kontaminado ng red tide ang karagatan ng Daram, Samar. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.