Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 trabahador ng MRT nalasog sa SUV

0 228

Todas ang dalawang construction worker sa ginagawang MRT-7 habang sugatan ang dalawang iba pa matapos araruhin ng isang Sports Utility Vehicle sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktima na sina Elmer Palma at Abelardo Dayo. Ang nasugatan naman ay sina Roderick Orbon at Rolly Delan.

Sa inisyal na imbetigasyon ng QCPD Traffic Sector 5, binabagtas ng driver ng di pa natukoy na SUV na si Honaldo Leonedo ang kahabaan ng Commonwealth Avenue nang bigla umanong mawalan ng control ang driver at tuluyang mahagip ang mga biktima.

Sinabi naman ni Leonedo na galing siya sa isang lamay sa San Jose Del Monte, Bulacan at pauwi na sana sa Marikina nang maganap ang trahedya.

Pero dahil sa puyat, hindi umano niya namalayan na nahagip na niya ang mga biktima.

Nakapiit na si Leonedo sa Police Traffic Sector 5 at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide with physical injuries. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.