Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 traffic enforcer ng LTO dakma sa kotong

0 354

Pinosasan ang dalawang tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa Cagayan Valley Region dahil sa umano’y extortion noong Lunes.

Kinilala ni Police Brig. Gen. Crizaldo Nieves, Cagayan Valley Regional Police Director, ang mga suspek na sina Chito Apattad, 45, ng Camasi, Peñablanca, Cagayan, at Darwin Isidro Pauig, 41, ng Alibagu, Enrile, Cagayan.

SM food to go Banner Ad

Dinakip ang mga suspek sa kinasang entrapment operation matapos ang ulat na nag-demand diumano sila ng P30,000 mula sa dalawang driver na kanilang hinuli.

Kinumpiska sa kanila ang isang .45 kalibre Armscor na may magazine at pitong bala, dalawang magazine na may 16 live bullets, isang Temporary Operator’s Permit at iba pang dokumento. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.