Abante Tonite Interactive

2 Tsino sa ‘loan shark syndicate’ timbog

228

Dalawang Chinese na sinasabing miyembro umano ng sindikatong loan shark o nagpapautang at nambi­biktima ng kanilang mga kababayan ang dinakip sa Parañaque City at Baclaran.

Naaresto ang dalawa sa isinagawang operasyon ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isang condo unit sa Parañaque kung saan nakita rin ang isa nilang kababayang biktima.

Nabatid na umabot umano sa P2 milyon ang utang ng biktima at nang mapurdoy ay binitbit sa hotel at saka tinawagan ang kanilang pamilya para padalhan siya ng pera.

“Noong matalo siya [sa casino], alam mo naman ang mga modus ng Chinese loan shark syndicate, alam na nila kung sino ang lalapitan, [so] inofferan nila ng pera,” sambit ni Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng PNP-AKG Luzon field unit sa ulat.

Sa tala ng PNP-AKG ay umaabot na sa 69 ang mga kaso ng nabibiktima ng loan shark syndicate mula 2017.