Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak buwis buhay sa P1.6M droga

0 434

Patay ang dalawang notorious drug pusher na nakumpisakahan ng higit P1.6 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Diliman, San Rafael, Bulacan noong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina Andres Marcolita at Gil Manaog na kapwa idineklarang dead on arrival sa Baliwag District Hospital bunga ng tama ng bala sa kanilang katawan.

Alas-9:45 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa inuupahang apartment ng dalawang drug pusher sa nasabing barangay ngunit mabilis na nakatunog ang dalawang suspek na undercover agent ang kanilang katransaskyon kaya kapwa bumunot ng baril at pinaputukan ang awtoridad na nauwi sa armed encounter at mapatay ang dalawang suspek.

Nakarekober sa crime scene ang isang caliber 45 pistol Colt na kargado ng magazine assembly, isang caliber 45 pistol at limang bala, aluminium foil, siyam na pakete ng shabu na may bigat na 220 gramo. Ang dalawang suspek umano ang nagtutulak ng droga sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.