Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak laglag sa Malabon

0 117

Nakorner ng mga awtoridad ang dalawang tulak sa ikinasang buy-bust operation, sa Malabon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Ryan Villanueva, 42, at Julius Velasquez, 36. Walang piyansang inerekomenda ang Malabon Prosecutor’s Office para sa kanilang pansamantalang paglaya.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Malabon Police, alas-12:15 ng umaga, ikinasa ng mga ito ang buy-bust operation sa kahabaan ng M.H. Del Pilar, Brgy. Tugatog ng lungsod. Makaraan ang transaksiyon sa poseur buyer at iabot ng dalawa ang isang plastic sachet na may lamang “bato” doon na sila dinamba ng mga pulis.

Nang kapkapan nakuha pa sa kanila ang 25.0 gramo ng shabu. Isinailalim na sa interogasyon ang dalawang negosyante para malaman kung sino ang nagsu-supply sa kanilang shabu, lalo pa’t hindi sila kasama sa drug watch list. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.