Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak laglag sa Valenzuela drug bust

0 89

Timbog ang dalawang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Valenzuela City, Miyerkoles ng gabi.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act sina Michael Michael Sison alyas Puroy, 42, at Roy Evangelista, 23. Sa ulat ng pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang impormante kaugnay sa talamak na pagbebenta ng shabu ng dalawang suspek.

Matapos makumpirma ang report, nagkasa na ng buy-bust operation ang sa bahay ni Sison sa Brgy. Maysan kung saan nagawang makapagtransaksyon ng isang police poseur-buyer sa mga suspek ng P7,000 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng shabu ay agad sinunggaban ang mga ito ng mga operatiba.

Nasamsam sa kanila ang aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 1 tunay P1,000 bill at 6 piraso boodle money, P1,300 cash at dalawang cellphones. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.