Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak nag-Noche Buena sa selda

0 77

Sa piitan nagdiwang ng Kapaskuhan ang drug supect nang makumpiskahan ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Novaliches Police Station (PS 4), sa Quezon City, ilang oras bago ang Christmas Eve.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P Macerin, ang naaresto na si Lasib Marco Cabalo, 29, ng Brgy. 171, Caloocan City.

Sa report ni PS 4 Commander PLt. Col. Richard Ian Ang, nakatanggap sila ng ‘tip’ ukol sa malakihang pagbebenta ng shabu ng suspek kaya agad na nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan.

Alas-8:30 ng gabi (December 24) nang maaresto si Cabalo nang makipag-transakyon ito sa pulis na tumayong buyer sa Nitang Ave. corner Quirino Hi-way located at Brgy. Gulod, Novaliches kaya sa kulungan na ito inabot ng Pasko. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.