Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak nalambat sa Marikina

0 96

Kulungan ang bagsak ng dalawang lalaking nagbenta ng shabu sa isang pulis matapos ang ikinasang buy-bust operation, kamakalawa sa Barangay Malanday, Marikina City.

Sa report ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang mga naaresto na sina Aldrin Bersabal, 44-anyos at Michael Dacara, 41, kapwa residente ng Marikina at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 at resistance and disobedience.

Naganap ang insidente bandang alas-8:10, Lunes ng gabi, sa Carbon St., Minahan Interior, Barangay Malanday makaraang isagawa ng mga tauhan ng SDEU kasama ang RMFB 2nd MFC Company at EPD DMFB Intelligence Unit ang buy-bust.

Sinasabing nakumpiska mula sa mga suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P88,400, at P500 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong sina Bersabal at Dacara sa Marikina detention cell. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.