Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak nalambat sa P1.3M shabu

0 85

Nadakma ng mga awtoridad ang dalawang sinasabing tulak na nahulihan ng umaabot sa P1.3 milyong shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Batasan, Quezon City kamakalawa.
Ayon kay PLt. Col. Imelda Reyes, Station Commander ng Quezon City Police District (QCPD) Anonas Police Station 9 (PS 9), ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Oden Dirindigen, 42, residente ng A. Bonifacio Ave., Brgy. Barangka, Marikina City at Jocelyn Salundagit, 48, ng Zone 6, Ampid St., San Mateo, Rizal.
Ang mga suspek ay nadakip nang pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 9 at District Drug Enforcement Unit (DDEU) dakong alas-4:00 ng hapon, June 26 sa isang buy-bust operation sa Kalayaan B, Commonwealth venue, Brgy. Batasan sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR).
Isang pulis ang tumayong buyer at nang makabili ng P190,000 halaga ng shabu ay agad nang inaresto ang mga suspek at nasamsam ang nasabing halaga ng shabu.
Ang mga suspek ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.