Abante Tonite Interactive

2 tulak patay, 24 nasakote sa Bulacan drug ops

By
506

Dalawang drug pusher ang napatay habang umabot sa 24 na iba pa ang nadakip sa serye ng anti-illegal drugs operation sa bayan ng Calumpit at Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., Bulacan PNP provincial director, ang mga napatay na sina alyas Kano ng Barangay Pungo, Calumpit at alyas Patay ng Barangay Sta. Clara, Sta. Maria na kapwa nasawi sa lugar ng engkuwentro bunga ng mga tama ng bala sa kanilang katawan matapos kumasa sa awtoridad.

Nabatid na bandang alas-10:00 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Calumpit-PNP sa pa­ngunguna ni P/Supt. Rizalino Andaya laban sa kanilang target na si alyas Kano sa Barangay Pungo, ngunit nakatunog ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya kumasa ito at napatay sa palitan ng putok.

Nakakulong naman ang nadakip na 24 katao na sangkot din sa iligal na droga.