Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak sa sementeryo, tiklo

0 45

Swak sa selda ang dalawang pinaghihinalang tulak sa loob ng Manila North Cemetery sa kinasang buy-bust kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Raymond John Datul, 34, driver, miyembro ng commando gang, residente ng Brgy. Mambugdos, Bacoor, Cavite at si Theresa Jugo, 52, fruit vendor ng Brgy.387, Quiapo.

Alas-10:00 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa Main Avenue ng nasabing sementeryo na sakop ng Brgy. 372. Nang magkapalitan ng pera kapalit ng droga, dito na dinamba ang dalawang susoek

Nakumpiska sa mga suspek ang walong plastic sachet na may timbang na 9.33 gramo ng hinihinalang shabu at may street value na P63,444 gayundin ang P500 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9175 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.