Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2 tulak tigok sa buy bust

0 235

Dalawang drug pusher ang nasawi sa buy bust operation noong Biyernes ng gabi sa Purok 4, Ibayo, Brgy. Valle Cruz, Cabanatuan City.

Sa ulat ni PLt. Col. Barnard Danie Dasugo, nakaengkuwentro ng operatiba ang mga napatay na sina Jerwin Gonzakes at isang Alyas Ipe, kapwa taga- Purok 4, Brgy. Valle Cruz, Cabanatuan City.

Ika-6:00 ng gabi nang isagawa ang buy bust at natunugan ng mga tulak na pulis ang katransaksyon. Dito ay nagtangkang tumakbo sa gitnang bukid ang mga suspek at nakipagpalitan ng putok subalit di umubra sa awtoridad.

Nakarekober sa mga napatay ng isang caliber .45 pistol at sachet ng shabu. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.