Abante Tonite Interactive

2 vendor arestado sa panindang shabu

By
210

Kulungan ang bagsak ng dalawang magkarelasyong vendor matapos mabuking na nagbebenta rin pala sila ng shabu sa labas ng public market sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kamakalawa nang hapon.

Batay sa report na nakalap mula sa Eastern Police District, nakilala ang mga suspek na sina Quirino Turingan y Babaran at Filipina Jacinto y Nicdao, parehong 47-anyos at mga residente ng Pasig City.

Naaresto ang dalawa bandang alas-3:30 nang hapon sa V. Baltazar Street, Brgy. Pinagbuhatan nang makipagtransaksyon sa kanila ang isang pulis na nagkunwaring bibili ng droga.

Inaalok muna umano ng lalaking suspek ang bibili ng droga na bumili muna sa kanyang mga paninda bago bentahan ng shabu ang buyer.

Bumili naman ng isang kendi ang pulis at nang ibibigay na ang shabu ay nagbigay ng hudyat sa kanyang mga kasama para dakmain ang mga suspek.

Tatlong sachet na naglalaman ng shabu ang nakumpiska mula sa dalawang suspek at nabawi rin ang P500 buy-bust money.
Pareho silang nakakulong ngayon sa Pasig Police Station matapos sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.