Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20-anyos timbog ng NBI sa baklas-passport

0 689

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 20 taong gulang na babae na lilipad sana patungong Middle East gamit ang pasaporte ng iba.

Sa panayam sa NBI, binanggit ng babae na ang tunay niyang pangalan ay Arbaya Lintukan Mukamad, pero ang nakalagay sa passport ay isang Sandra Lipoles, 30-anyos na mula Maguindanao.

Itong passport ay binigay aniya ng kanyang recruitment agency.

Nabatid din ng bureau na may mga lehitimong dokumento ang babae, kabilang ang visa, employment contract, work permit at isang Pre-departure Orientation Seminar (PDOS) certificate na makukuha sa Commission on Filipinos Overseas ng mga Pinoy na aalis sa bansa para permanenteng manirahan abroad.

Ang passport na prinisenta ni Mukamad sa Immigration ay may valid visa na inisyu ng Saudi Arabia.

SM food to go Banner Ad

Gayunman, nasabat ang babae ng isang tauhan ng Immigration na naniwalang “hindi tugma” ang itsura niya at ang edad na nakasaad sa pasaporte.

Doon na dinala si Mukamad sa NBI-Airport Division para sa beripikasyon.

Sa ulat pa ng NBI, nakasaad na inamin din ni Mukamad na hindi ito ang una niyang biyahe pa-Saudi.

“She admitted that she was able to travel to the Middle East, while she was a minor,” ayon sa report, na eksklusibong nakalap ng Tonite.

Kakasuhan si Mukamad ng paglabag sa Passport Act at posibleng makulong nang hanggang anim na taon at magmulta nang hanggang P150,000. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.