Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 bahay tinupok ng naiwang kandila

0 141

Nawalan ng tahanan ang may 40 pamilya nang sumiklab ang apoy galing sa naiwan umano na nakasinding kandila Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, nagsinula ang sunog alas-4:23 ng madaling-araw sa bahay ni Reynaldo Liwanag.

Umakyat ang sunog sa ikatlong alarma at alas-5:20 ng madaling araw nang ideklarang fire-out.

Wala namang inulat na nasawi o nasaktan sa insidente habang nananatili sa evacuation center ang mga nasunugan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.