Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 bebot nasagip sa putahan; 2 COVID positive

0 363

Nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa 20 babaeng kinabibilangan ng dalawang menor de edad na sinagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Rizal District Office (NBI-RIZDO) sa isang prostitution den sa ekslusibong Village sa Paranaque City.

Nabatid kay NBI Officer-in-Charge (OIC)- Director Eric B. Distor, sa halip na idiretso sa tanggapan ng NBI-RIZDO, dinala sa quarantine favilities ang sinagip na babae maging ang mag-asawang mastermind at nagpapatakbo ng prostitution den na sina Kong Xiangce, chinese at asawang Pinay.

Sinabi ni Distor na nag-ugat ang operasyon sa isang intelligence report na may grupong sangkot sa prostitusyon na para lamang sa mga Chinese.

Isang NBI agent ang nakapasok sa mobile messaging app TELEGRAM na ginagamit ng mga suspek sa pag- aalok ng sexual service kung saan pinadalhan pa ng listahan ng presyo ng mga sexual services na kanilang iniaalok.

Ikinasa ang entrapment operation. Nagkasundo ang poseur client at mga suspek na magkita sa isang motel kaya naisagawa ang operasyon.

Sinagip ang biktima habang ang ibang team ay dumiretso sa Paranaque at nakorner ang iba pang babae at mag-asawang suspek.

Nang isailalim sa antigen test, 2 sa mga babae ang nagpositibo sa COVID. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.