Abante Tonite Interactive

20 BIFF, 1 sundalo todas sa engkuwentro

By
0 137

Nakapagtala ng aabot sa 20 namatay sa hanay ng teroristang grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), kabilang ang isa umanong Singaporean terrorist at dalawang li­der ng grupo kasunod ng ginagawang opensiba ng militar sa Maguindanao.

Ayon kay Major Gene­ral Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army (PA), nakatanggap sila ng ulat Martes ng hatinggabi hinggil sa pagkakapatay ng 20 miyembro ng BIFF kabilang sina Salahudin Hassan, Commander Bastardo at Mauwiyah, isang Singaporean terrorist.

“Hindi namin mabuo kung ilan talaga ‘yung body count kasi medyo lasog-lasog ang katawan,” dagdag pa ni Sobejana.
Isang sundalo naman ang nasawi habang pitong iba pa ang sugatan kung saan nagkasagupa ang dalawang grupo sa lugar na balwarte ng mga kalaban.

Kahapon ng umaga ay muling nagsagawa ng bombing run, indirect fire, mortar at mga rocket ang militar laban sa BIFF.