Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 dinukot, tinodas ng police gang

0 30

Ni Nancy Carvajal

Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang sindikato na umano’y pinatatakbo ng mga pasaway na pulis at siyang responsable sa pagkidnap sa hindi bababa sa 20 katao sa Metro Manila, Bulacan at Cavite.

Ayon sa isang insider na maalam sa kaso, lahat ng mga nawawalang biktima ay pawang mga hinihinalang courier at street dealer ng iligal na droga, batay sa mga pahayag ng dalawang subject na dinakip ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) at iniuugnay ng mga saksi sa pagdukot sa mga biktima.

Banggit naman ng isa pang source, ang mga sasakyang ginamit pangkidnap ay nakita sa mga surveillance camera na pumapasok sa isang kampo ng pulisya.

Nag-ugat ang pagsisiyasat ng NBI-TFAID mula sa reklamo ng mga kaanak ng mga nawawala simula noon pang Pebrero. Nagbigay ng impormasyon ang mga kaanak kaya nahuli ang mga subject na nakipagtulungan na sa imbestigasyon.

SM food to go Banner Ad

“We have in our custody subjects, who claimed they are police assets and gave details of various abduction of the missing persons that matched with the victims’ relative narration,” ayon sa source.

Sinabi umano ng isang subject na ang lahat ng mga sinasabing kinidnap na indibidwal ay patay na.

“No body, no crime. The victims were either cremated or thrown to the deep sea,’’ banggit ng subject, ayon sa insider.
Nakapanayam ng online news site na Politiko (politics.com.ph) ang misis ng isa sa mga nawawala. Banggit nito, dinukot ang asawa niya sa Blumentritt, Manila ng mga lalaking sakay ng tatlong sasakyan.

Disenteng lalaki aniya ang kanyang mister na isang piyansador at hindi sangkot sa pagbebenta ng droga.
“Since he was taken by armed men and forced into a van in broad daylight sometime in March, we have not heard from them,” dagdag ng misis ng biktima.

Leave A Reply

Your email address will not be published.