Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 haybol tupok sa Taguig fire

0 63

Dalawampung bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Taguig.

Makalipas ang isang oras, idineklara nang fireout ng mga bumbero ang sunog sa Kalye Kabasaan Ranger, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Taguig, ala-1:40 ng hapon nang itaas sa unang alarma ang sunog, at idineklarang Fire Out alas-2:49 ng hapon.

SM food to go Banner Ad

Ang insidente ay katabi lang ng Base Station ng Philippine Coast Guard pero hindi naman ito nadamay.

Mabilis ang pagkalat ng apoy kaya agad na tinupok ang nasa 20 kabahayan na nagsimula sa bahay ng isang Roselyn Cabio, kung saan ay nasa 25 pamilya ang apektado.

Tinatayang P600,000 ang naitalang halaga ng napinsalang ari-arian, habang patuloy pang iniimbestigahan ang naging sanhi nito. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.