Abante Tonite Interactive

20 madre at guro, sugatan sa aksidente sa Cebu

By
19

Tinatayang dalawampung mga madre at guro ng isang pribadong eskuwelahan ang nasugatan makaraang tumagilid ang kanilang sinasakyang bus sa bayan ng Oslob, Cebu kahapon ng umaga.

Batay sa paunang impormasyon mula sa Oslob Police, nawalan umano ng kontrol ang driver ng bus na si Roy Cubil makaraang hindi kumagat ang preno ng sasakyan.

Galing ang mga pasaherong madre at guro sa Immaculate Heart of Mary Academy sa bayan ng Minglanilla nang madisgrasya ang mga ito.

Sinabi ni PO1 Julius Sumilhig na nangyari ang problema sa preno habang binabagtas ng bus ang national road sa Bgy. Catadman.