Abante Tonite Interactive

20 milyong tonelada ng ginto taglay ng karagatan

16

Tayong mga tao ay may kakayanang makapag-distinguish ng isang trilyong uri ng ng mga amoy.

***

Ang asteroid sa solar system ay mayroon ding ring na katulad ng Saturn.

***

Ayon sa pag-aaral posibleng mayroong Earth sized planet sa labas ng solar system.

***

Ang isang eyeball ng tarsier ay kasinlaki ng kanyang utak.

***

Ang isang matandang tao ay mayroong konting bilang ng buto kumpara sa isang bagong silang na sanggol.

***

Alam mo bang kaya nating huminga at lumunok ng sabay.

***

Ang isang human body ay binubuo ng 7,000,000,000,000,000,000,000,000,000 atoms.

***

Ang isang beaked whales ay kayang pigilan ang kanyang paghinga ng mahigit sa dalawang oras.

***

Ang bubuyog ay may kakayahang maramdaman ang electric field ng isang bulaklak na kanyang ginagamit para makapag kolekta ng pollen.

***

Ang pag-tanaw sa mga bituin ay parang pagtingin sa nakaraan dahil sa tagal o haba ng panahon bago makarating sa atin ang mga sinag nito.

***

Kapag umiyak ka sa kalawakan ang iyong luha ay mananatili lang na nakadikit sa iyong mukha.

***

Ang mga karagatan sa buong mundo ay nagtataglay ng dalawampung milyong tonelada ng ginto.

***

Kapag natuyo ang mga karagatan, ang mga asing matitipon ay kayang takpan ang buong kontinente sa lalim na limang pulgada.

***

Sa ating katawan ay matatagpuan ang mas maraming cells ng bacteria kaysa human cells.

***

111,111,111 × 111,111,111 = 12345678987654321.

***

May isang species ang jellyfish na immortal o di namamatay

***

Ang isang ladybird ay kayang lumipad sa bilis na 60kph.