Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 package na liquid marijuana naharang

0 92

Nasamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC)-NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) at ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) ang may 20 package na naglalaman ng 116 botelya ng ‘hemp extract’ liquid marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City kahapon.

Ang mga botelya ng liquid marijuana ay nakadeklarang `dietary Supplements’ na may iba’t ibang consignee at ito ay natuklasan sa isinagawang 100% physical examination at estriktong profiling ng mga customs examiner sa CMEX.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakumpirma na ang laman ng mga botelya ay ‘liquid cannabis’ matapos isagawa ang chemical laboratory test ng PDEA.

Ang mga nakumpiskang package ay nasa pangangalaga ngayon ng PDEA para sa case build up laban sa mga taong lumabag sa comprehensive Drug Act (RA 9165). (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.