Abante Tonite Interactive

20 solon nag -self quarantine dahil kay Yap

0 459

Nasa 20 mambabatas na dumalo sa dinaos na special session sa Kamara ang isinailalim sa mandatory self quarantine at sinasabing may direct contact kay House committee on appropriation charman Eric Yap na positibo sa COVID-19 virus noong Miyerkules.

“Following protocols, all the members and employees who attended the special session will go on self-quarantine,” sabi ni House secretary-general Atty. Jose Luis Montales.

Nasa 20 congressmen lamang ang pinayagang pumasok sa House plenary sa ginanap na 18-oras na special session na nagsimula ng alas-10: 00 ng umaga noong Lunes March 23 na tumagal ng hanggang alas-3:20 ng madaling araw ng Martes na naging daan para mapagtibay ang Bayanihan Act of 2020 na nagbibigay ng karagdagang kapangyarihan kay Presidente Rodrigo Duterte para sa mapabilis na pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 crisis.

Si Yap na kinatawan ng ACT-CIS party-list ang nanguna sa plenary debate ng emergency power bill na pinamunuan ng makapangyarihang House appropriations panel.

Ilan sa mga kasama nitong dumalo sa special plenary proceedings sina Speaker Alan Peter Cayetano, Majority Floor Leader Ferdinand Martin Romualdez, at Minority Floor Leader Bienvenido Abante; Deputy Speakers Aurelio `Dong’ Gonzales, Luis Raymund `LRay’ Villafuerte, Raneo Abu, at Roberto Puno.

Kasama rin sina Reps. Precious Castelo (Quezon City), Abraham “Bambol” Tolentino (Cavite), Manny Lopez (Manila), Juan Miguel “Mikey” Arroyo (Pampanga), Antonio “Tonypet” Albano (Isabela), Romeo Jalosjos Jr. (Zamboanga del Norte), Jonathan Sy-Alvarado (Bulacan), Janete Garin (Iloilo City), Bong Suntay (Quezon City), Wilter “Sharky” Palma (Zamboanga Sigubay), Mike Defensor (Anakalusugan Party-list), at France Castro (ACT-Teachers Party-list).

Sumailalim sa swab test noong Marso 15 si Yap at nakuha lamang ang positive na resulta noong nakaraang Miyerkules matapos na i-notify ng Department of Health (DOH).

Binigyan- dii ni Yap na nagdesisyon siyang magpa-COVID test makaraang dumalo sa maraming hearing kung saan pinaniniwalaan niyang dinaluhan ng mga persons under investigation/ monitoring na karamihan ay nagpositibo na rin sa virus.

Pinaliwanag nito na nakaramdan na rin siya ng mild symptoms kaya siya nagpatesting na rin sa virus.

Inamin nito na dumalo siya sa March 21 meeting ng mga legislative at executive leader sa Malacanang para pag-usapan ang mga probisyon sa emergency powers ni Pangulong Duterte. ( Aileen Taliping, Prince Golez, JC Cahinhinan)