Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 swak sa Bulacan buy-bust

0 78

Dalawampung katao ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa serye ng ikinasang buy-bust operation sa limang bayan at dalawang siyudad sa Bulacan kamakalawa.

Ayon kay P/Col. Manuel Lukban Jr. ng Bulacan PNP, kabilang sa mga nadakip sina Justine Gallego, Jaime Ann Gallego, Mark Evdrin Aranzaso, at Rogenald Delfin, pawang nakatira sa Brgy. Perez, Meycauayan City, at Christopher Parungao alyas Ava, ng Cruz na Daan, San Rafael.

Nakuha sa magkahiwalay na buy-bust na inilatag ng SDEU sa Meycauayan City at San Rafael ang kabuuang 17 pakete ng shabu at buy-bust money matapos ang week-long surveillance operation.

Related Posts

Bago ito, 15 pang umano’y drug pusher ang natimbog sa anti-illegal drug operations sa Balagtas, Marilao, Angat, San Jose del Monte City at Norzagaray kung saan nasamsam ng pulisya ang kabuuang 50 pakete ng shabu, isang medium size sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, traysikel at buy-bust money.

Samantala, nakorner din ng Bulacan PNP ang anim na wanted person sa bayan ng Balagtas, Malolos City, Sta. Maria at Pandi. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.