Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 taon tinugis! Rebelde na murder suspect tiklo

0 101

Kulungan ang bagsak ng isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na kabilang sa national most wanted person, may patong sa ulo na P700,000 at sangkop pa umano sa pagpatay, nang malambat sa Sitio Pinalad, Centennial 2, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Tinukoy ang suspek na si Esteban Sergio Sales, alyas ‘Waldo’, 59-anyos, construction worker, tubong-Sagñay, miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG 73), Bicol Region Party Committee (BRPC), at ng Komite Seksiyon sa Platon.

Naaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad ala-1:38 Huwebes ng hapon sa nasabing barangay. Inihain sa kanya ang warrant of arrest dahil sa kasong murder at malicious mischief na inisyu ni Presiding Judge Lore Valencia-Bagalacsa ng RTC Branch 57, Libmanan, Camarines Sur.

Naganap umano ang insidente noong Setyembre 3, 2000 sa Sitio Intramuruz, Brgy. Panaytayan, Ragay, Camarines Sur matapos makaalitan at patayin ang biktimang si German Berunga, isang rebel returnee at member din ng Citizen Active Auxiliary. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.