Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 timbog sa vote buying

0 47

Umakyat na sa 20 kaso ng vote buying ang naitala ng Philippine National Police (PNP) hanggang kahapon ng hapon. Bukod dito, nasa 73 na ang nairekord na kaso ng election related incidents (ERI’s).

“As of 3 p.m. we already recorded 73 incidents so far. Doon sa validate ERIs’ wala tayo changes 16. sa suspected ERIs from 14 nadagdagan ng 1, So 15, confirmed validated no ERI’s nadagdagan 1 so 42,” saad ni Fajardo sa isinagawang press briefing sa Camp Crame.

Bukod dito ay nadagdagan pa ang kaso ng vote buying kung saan 20 ang naaresto mula alas 3:00 ng hapon nitong Lunes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Fajardo maituturing na isolated incidents lang umano ang mga naganap na kaguluhan sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) partikular sa lalawigan ng Maguindanao.

Sa kabila ng mga ulat ng kaguluhan, dagdag pa ang mga sirang Voting Counting Machines (VCM’s) at mahabang pila sa mga polling precints, sinabi ng PNP na wala pa umano silang natatanggap na ulat na failure of elections sa kanilang unit sa buong bansa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.