Abante Tonite
Mabilis sa Balita

20 tulak, 96 quarantine violator dinampot sa Cavite

0 194

Kinalawit ng mga awtoridad ang 20 tulak at 96 na lumabag sa quarantine protocol sa magkakahiwalay na lugar sa Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial, nagsagawa ng buy-bust operation sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 kamakalawa ng gabi sa dalawang lungsod at apat na bayan sa lalawigan.

Nanguna ang Rosario sa may pinakamaraming tulak na binitbit na 9; kasunod ang Cavite City, 4; habang 3 naman sa General Mariano Alvarez; 2 sa Bacoor City; at tig-isa sa Carmona at Indang kung saan narekober sa mga suspek ang tinatayang 27 pirasong sachet ng shabu,, marijuana at mga drug paraphernalia.

Samantala, ang 96 pasaway sa quarantine protocol ay hinuli dahil sa magkakaibang dahilan tulad ng hindi pagsusuot ng face mask, walang quarantine pass, social distancing, at curfew.

Sa mga inaresto, 52 sa kanila ang sumailalim sa community service, 37 sa kanila ang nagbayad ng multa, habang 7 ay pinangaralan bago pinauwi. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.