Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200 barangay sa Bicol uulanin ng proyekto

0 56

Mahigit 200 barangay sa Bicol Region ang mabibigyan ng mga proyekto, gaya ng imprastraktura at pangkabuhayan, sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) bago matapos ang Duterte administration.

Sa ginanap na groundbreaking ceremony sa Sorsogon, inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang paglalabas ng pondo para sa 15 barangay sa Sorsogon, 26 sa Masbate; walo sa Camarines Norte at marami pang iba.

Dagdag pa ni Esperon, sa 2022 ay may karagdagang 282 barangay ang isasama na rin sa BDP dahil sa nakalaya na ang mga ito sa “pananakop” ng New People’s Army (NPA).

SM food to go Banner Ad

Bawat barangay ay makatatanggap ng tig-P20 milyong halaga ng proyekto tulad ng kalsada, school building, health station at marami pang iba. Ang BDP ay isinusulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Esperon, isinama ang Bicol Region sa programa dahil ang pananatili ng CPP-NPA sa maraming barangay sa mahabang panahon ay nagdulot umano ng matinding kahirapan sa mga mamamayan.

Sa datos ng Philippine Statistics Office, umabot sa 7% ang unemployment rate sa Bicol Region at 20.3% naman ang underemployment. Maging ang poverty rate ay sumadsad sa 27%.

Leave A Reply

Your email address will not be published.