Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200 barangay sa Bicol uulanin ng proyekto

0 64

MAHIGIT 200 barangay sa Bicol Region ang mabibigyan ng mga proyekto gaya ng imprastraktura at pangkabuhayan, sa ilalim ng Barangay Development Program (BDP) bago matapos ang Duterte administration.

Sa ginanap na groundbreaking ceremony sa Sorsogon, inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang paglalabas ng pondo para sa 15 barangay sa Sorsogon, 26 sa Masbate; walo sa Camarines Norte at marami pang iba.

Dagdag pa ni Esperon, sa 2022 ay may karagdagang 282 barangay ang isasama na din sa BDP dahil sa nakalaya na ang mga ito sa pananakop ng New People’s Army.

Bawat barangay ay makakatanggap ng tig-P20M halaga ng proyekto tulad ng kalsada, school building, health station at marami pang iba. Ang BDP ay isinusulong ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Esperon, isinama ang Bicol Region sa programa dahil ang pananatili ng CPP-NPA sa maraming barangay sa mahabang panahon ay nagdulot ng matinding kahirapan sa mga mamamayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa datos ng Philippine Statistics Office, umabot sa 7% ang unemployment rate sa Bicol Region at 20.3% naman ang underemployment. Maging ang poverty rate ay sumadsad sa 27%.

Sa ginanap na groundbreaking, pinangunahan ito ni Esperon bilang vice chairman ng NTF-ELCAC; Cabinet Officer for Regional Development and Security for Region V Sec. Gregorio Honasan; Sorsogon Gov. Francis “Chiz” Escudero at iba pa.

Dalawang barangay sa Casiguran Sorsogon ang binigyan ng BDP projects na aabot sa P40 milyon. Ito ang San Pascual at Sta Cruz.

“We stand here, both national and local organs of government, arm-in-arm and united to end the root causes of armed insurgency. The NTF-ELCAC is appreciative of the overwhelming support of local chief executives, lawmakers and the private sector for the BDP,” ani Esperon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.