Abante Tonite Interactive

200 brgy chairman sa Maynila suspindihin – DILG

262

Inirekomenda ng Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) sa konseho ng Maynila na patawan ng suspensyon ang may 200 barangay chairman sa lungsod dahil sa sandamakmak na basura at mga sagabal sa daan sa kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, kanya nang isinumite ang listahan ng mga barangay sa Manila City Council na inirekomenda niyang suspindihin matapos na makitang nagkalat ang mga basura, mga sasakyang iligal na nakaparada, at iba pang mga nakahambalang sa daan sa kanilang ginawang inspeksiyon.

Sinabi ni Diño, ang barangay official na kanyang ipinasususpinde ay iyong mga hindi sumunod sa utos ng DILG sa paglilinis sa kanilang nasasakupan mula sa mga basura at mga sagabal sa kalye.

Iginiit ng DILG na tuloy-tuloy at hindi natatapos lamang sa 60-araw na una nilang binigay na palugit sa mga pamahalaang lokal para magsagawa ng clearing operations dahil quarterly o tuwing ikatlong buwan ay muli silang iikot at mag-iinspeksiyon. (Dolly Cabreza)