Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200 dinakma sa Makati resto bar

0 93

Umabot sa 200 katao ang dinakma at natikitan matapos salakayin ng mga tauhan ng Makati Public Safety Department ang isang bar sa Makati, kahapon ng madaling araw.

Isinagawa ang raid matapos makatanggap ng tip hinggil sa hindi umano pagsunod sa health protocols ng nasabing establisimyento.

Nabisto ang insidente nang akyatin ng Makati PSD ang ikalawang palapag ng loob ng mall kung saan nandun ang bar. Kahit pasado hatinggabi na ay tumambad na puno ang bar ng mga Pilipino at dayuhang customer.

Ayon kay Renato Escotido, Chief for Operations ng Security Service ng Makati PSD, base sa kanilang nadatnan ay marami silang nakitang violation.

Bagama’t puwede na ang dine-in sa limited capacity sa ilalim ng Alert Level 3 ay bawal pa rin ang siksikan at umiiral pa rin ang curfew. Bukod dito ay wala rin aniyang maipakitang permit ang naturang bar.

“Makikita puno ang loob. ‘Yung mga lumabag sa violation na aktong nandiyan, pumasok sila sa violation sa curfew at social distancing, city ordinance at napag-alaman namin na ‘yung bar walang permit,” katwiran ni Escotido.

Bunga nito’y kinuha ng pulisya ang ID ng 200 katao at kailangan nilang magbayad ng multa sa City Hall.

Dahil sa insidente posible namang ipasara ang nasabing bar depende sa magiging assessment ng Makati Business Permits and Licensing Office.

Leave A Reply

Your email address will not be published.