Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200 kompanya ambagan sa virus bakuna

0 192

Nagpahayag umano ng suporta ang mahigit sa 200 pribadong kompanya sa bansa para sa pagbili ng karagdagang bakuna ng AstraZeneca kontra COVID-19.

Sinabi ito ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion sa inilabas na pahayag nitong Linggo kung saan maraming kompanya aniya ang nagpahayag ng kanilang pangako at interes para sa COVID bakuna.

Ikinagagalak naman aniya nila ito na dumarami ang mga private sector partner na nakikibahagi sa inisyatiba ng gobyerno laban sa COVID-19 pandemya.

Nabatid na kabilang sa mga kompanyang inaasahang mag-aambag para makabili ng COVID bakuna ay ang Ayala Corporation. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.