Abante Tonite Interactive

200 MMDA personnel umasiste sa pag-rescue

By
5

Nagtalaga ang Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 200 rescue personnel upang rumes­ponde sa mga emergency cases.

Kasabay nito ay ina­tasan din ng ahensiya ang mga advertisers na tupiin at ibaba muna ang kanilang mga billboards para na rin sa kaligtasan ng publiko dahil sa bagyong ‘Nina’.

Ayon sa MMDA, itina­laga muna nila sa rescue operation ang iba nilang traffic enforcers at ang mga ito ay nakaantabay lamang at handang rumesponde sa anumang mga emergency cases dulot ng bagyong Nina.

Bukod sa pagtatalaga ng mga rescue personnel, naglagay din ang MMDA ng 5 military trucks, 8 ambulansiya, 12 rubber boats para sa mga lugar na flood-prone.

Binuksan din ng MMDA ang 6 floodgates sa Manggahan para maging daluyan ng tubig at maiwasan ang pagtaas ng tubig baha.