Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200 Navotas COVID patient ililipat sa PH Arena

0 355

Sinimulan na sa Navotas City ang paghanap ng asymptomatic o mild symptoms ng COVID-19 para ilagay sa mga quarantine facility.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año ililikas na nila ang 200 residente sa Navotas, bilang tugon sa pinaiigting na mandatory quarantine. Aniya, “Una sa Cebu, ngayon, dito sa Navotas. Pangungunahan ni Mayor Toby Tiangco at mga public health authorities ng city at kasama na rin ang PNP. Siguro sa Philippine Arena natin ilalagay para sigurado na babantayan ang pag-quarantine nila at after 14 days naman maayos na sila. Mostly, asymptomatic naman at mild symptoms.”

Nilinaw ng Malacañang na walang gagawing house-to-house search ng coronavirus patients, ililipat lang sa government quarantine facility ang mga nai-report na pasyente na walang maayos na home quarantine. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.