Abante Tonite
Mabilis sa Balita

200 pamilya nasunugan sa Cavite

0 223

Naabo ang tirahan ng nasa 200 pamilya dahil diumano sa napabayaang gasera sa Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ni Cpl. Aaron John Golo ng Dasmariñas City Police Station, alas-3:28 kamakalawa ng hapon nang nagsimula ang sunog sa loob ng isang bunkhouse na nagsisilbing tirahan ng may 200 pamilya sa Brgy. Sta Cruz 1.

Ayon kay SFO2 Warlock Bautista ng Dasmariñas City Fire Station, hinihinalang isang naiwang nakasinding gasera ang pinagmulan ng apoy hanggang sa kumalat ito at lamunin ang kabuuan ng mga kabahayan.

SM food to go Banner Ad

Idineklara itong fire under control alas-4:39 at tuluyang naapula alas-5:15 ng hapon.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan at inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.